I. Pamagat ng Tula
- Ang Magandang Parol
II. Paksa
ng Tula
- Ang tulang “Ang Magandang Parol”
ay nagkukwento ng storya ng isang parol na ginawa ng isang nakakatanda upang
panghanda sa darating na Pasko. Ang tapat ng parol na ito ay naging palaruan ng
mga bata bago sila tumuloy sa simbahan. Kanilang sinasamahan ang lolo na gumawa
ng parol tuwing sila ay maglalaro sa tapat ng parol. Noong namatay na ang lolo,
kanilang natatandaan siya tuwing nakikita nila ang parol na nakasabit.
III.
Simbolismong Ginamit
Kalaguyo – Malapit
na kaibigan
Parol – Diwa
ng lolo, ang liwanag na iniwan ng lolo para sa mga bata
IV. Mensahe ng Tula
- Habang tayo ay may panahon pa, tayo ay makakapag-iwan ng memorya na susulitin ng ating mga kasama.
o
Nasa kanyang
kulay ang magandang nasa,
nasa kanyang ilaw ang dakilang diwa,
parang sinasabi ng isang matanda:
“Kung wala man ako’y tanglawan ang bata.”
§ Makikita natin sa parte na ito na nakapag-iwan
ang lolo ng memorya sa mga bat ana naglalaro sa tapat niya at ng parol. Ang kaniyang
diwa na mag-silbing ilaw para sa mga bata sa gitna ng gabi ay natupad sa
pamamagitan ng parol na kaniyang ginawa. Ito ay tumatak sa isipan ng bata at ng
mga mambabasa.
o
Ating
ibalik ang importansya ng oras na ating gagamitin kasama ang ating pamilya
§ Madami sa ating mga kabababayan ang pinipili ang magtrabaho kaisa umuwi sa kanilang mga probinsya o mga kapamilya kahit sa panahon ng Pasko. Dapat nating ibalik ang diwa ng pasko dahil ito ay isang tradisyon na nababaliwala na ng tuluyan ng ilan nating mga kabababayan.
Kongklusyon
- Ang tulang “Ang Magandang Parol” ay sumasalamin sa mga aksyon ng lolo upang mag-iwan ng memorya ng kaniyang sarili sa mga bata sa pamamagitan ng parol na kaniyang ginawa. Ito ay malapit sa mga puso ng mga Pilipino dahil sa pagmamahal ng ating kabababayan sa Pasko.
Comments
Post a Comment