I. Pamagat ng Tula
- Ang Pamana
II. Paksa ng Tula
- Ang tulang
"Ang Pamana" ay tumutukoy sa storya ng mag-ina na dumadaan sa isang
mahirap na situwasyon. Dahil sa katandaan, malapit na sa pintuan ng kamatayan
ang ina ng anak sa storya, kaya isa-isa nang tinatadaan ang mga memorya at
ipinapamana na ng ina ang mga pagmamay-ari niya sa kaniyang minamahal na anak. Ngunit
kahit ibinibigay na ng ina ang kaniyang mga pagmamay-ari, ang tanging gusto
lamang ng kaniyang anak ay ang makasama ang kaniyang minamahal na ina.
III. Simbolismong Ginamit
Pyano/Silya/Aparador/Kubyertos
- Mga pamana/kasangkapan na matatanggap ng anak galing sa kaniyang ina.
Yaman - Masasayang
Memorya ng mag-ina, Ang bagay na importante sa puso ng anak
Buhok -
Nagsisimbulo ng katandaan ng ina
Kasangkapan - Mga
pagmamay-ari ng ina
Luha - Lungkot
Hukay - Huling
paghahantugan ng Ina
IV. Mensahe ng Tula
-
Mga Paraan na ginagamit ng mga kapwa Pilipino
upang ipahatid ang kanilang pagmamahal sa iba
o Isa
sa magandang katangian ng mga Pilipino ay ang pagbigay natin ng importansya sa
oras kasama ng ating pamilya. Kung mapapansin natin sa ibang bansa, napaka-karaniwan
ang pag-iwan ng mga nakatatandang miyembro ng pamilya sa mga ‘Home For the
Aged’ dahil sila ay tinuturing na hadlang lamang sa mga iba nilang
kamag-anak.
o
Kahit mas mahirap ang pag-aalaga sa matanda,
dahil sa dagdag na gawain at sa mga kumplikadong pangangailangan sa kalusugan,
sinisikap parin ng ating mga kabababayan na alagaan sila sa kanilang sariling
bahay kaisa ilipat sa ‘Home For The Aged’.
§
o Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,… “Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
§ Sa linya ng tula na ito, mapapansin natin ang
emosyon ng anak na kaniyang nais na ipaalam sa kaniyang ina. Kahit ibinibigay
na sa kaniya ang mga pamana, kaniyang ipinipilit na ang kaniyang tanging gusto
ay makasama ang kaniyang ina.
§ Madami sa ating mga kababayan ngayon ay lumalala dahil sa mga ‘Domestic Abuse/Violence’ na nagaganap sa ating mga bahay. Sinisira nito ang mga relasyon ng mga kamag-anak dahil sa mga pisikal, emosyonal, at sexual napag-abuso na nangyayari.
§
o
Maipapalutang
natin sa tula na ito ang pagmamahal ng ina sa kaniyang anak at kung paano natin
ito magagamit sa ating pagmamahal sa ating bansa. Ating maisasaayon ang tula na
ito sa kung paano natin maiaayos ang ating mga relasyon sa ating mga kakilala,
hindi lamang sa ating ina.
o Pinilit kong pasayahin ang lungkot
ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking
mata’y may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Tila
kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at sa halip na magalak sa pamanang
mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang
kaawaawang bata Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
§ Makikita natin dito na kahit matanda
na ang ina, kaniya paring ipinapakita ang kaniyang walang kamatayan na
pagmamahal sa kaniyang anak. Ipinapakita nito ang pagmamahal ng ina sa anak na walang
kondisyon.
§ Kahit ano ang mangyari, makikita
natin na gagampanan parin ng isang ina ang kaniyang mga tungkulin na maging halimbawa
kung paano magbigay ng pagmamahal na walang kondisyon.
-
Kongklusyon
o Ang tulang “Ang Pamana” ay
sumasalamin sa walang kamatayan na pagmamahal ng ina sa kaniyang minamahal na
anak. Kahit siya man ay mawala na sa mundong ito, ang kaniyang pagmamahal ay
hindi malilimutan ng mga taong nakapalibot sa kaniya. Ating magagamit ang
kaalaman na ito upang ating mas mahalin ang ating mga kasama. Ito ay magaayos
ng ating mga nasirang relasyon at makakapag-buo ng panibagong samahan na hindi
mabilis mapabagsak.
Comments
Post a Comment