I. Pamagat
ng Tula
- Bayan Ko
II. Paksa
ng Tula
- Ang
tulang “Bayan Ko” ay nagpapakita ng pagkamakabayan ng mga Pilipino sa gitna ng
kaguluhan. Kahit madami ang kanilang hinaharap, kahit nakasalalay ang kanilang kalayaan
sa mga dayuhan, sila ay hindi titigil hangga’t hindi natutupad ang nais nila na
maging malaya. Kahit ano pa man ang
mangyari, ang loyalidad ng mga Pilipino sa bansa ay hindi mapapantayan ng sino
man.
III. Simbolismong
Ginamit
Ginto’t Bulaklak
– Kayamanan ng ating Bansa
Ibon – Kalayaan
Kulungan – Mananakop
na pinipigilan ang mga kultura ng ating bansa
Pugad – Ang
ating bansa, kung saan narararapat ang Kalayaan
IV. Mensahe
ng Tula
- - Ang
ating pagmamahal sa bayan ay hindi dapat magbago kailangan man.
o
Nakakamangha
ang patriotismo mga Pilipino noong panahon na nasakop tayo ng iba’t ibang dayuhan.
Kahit tayo ay tinuring na mas mababang nilalang, itinuloy parin ng ating mga
kabababayan ang laban upang maging malaya ang mga henerasyon na susunod sa kanila.
Sa pamamagitan ng kanilang tapang at pagkamakabayan, kanilang natupad ang pangarap
na maging malaya ang Pilipinas bilang isang bansa na hindi nakapailalim sa kahit
anong dayuhan.
o
Hindi
masama ang pakikisama sa kultura ng ibang bansa, ngunit kung ito ay mas
binibigyang importansya kaisa sa sarili nating kultura, ito ay matatawag na
hadlang sa pagbibigay ng galang sa ating kultura. Bilang Pilipino, dapat nating
unahin ang pagsunod at pag-iingat ng ating kultura sa pamamagitan ng pagsasanay
at pag-diwang ng mga pagsisikap ng ating mga ninuno.
- - Ipinakita
ng tula ang kagandahan ng ating bansa
o
Kahit
dati pa, mapapansin natin na madaming mga dayuhang bansa ang nagnanais na
sakupin ang ating lupain o bansa. Dahil ito sa kagandahan ng lokasyon at mga
yaman na makikita sa ating mga lupain at sa mga mineral sa ilalim ng lupa. Isa
pa ito sa mga rason na dapat nating ingatan ang yaman at napaka-gandang lupain
na ibinigay sa atin ng Diyos upang alagaan ito. Isipin din natin na kung hindi
natin ito ingatan, paano ang mga susunod na henerasyon mabubuhay sa kondisyon na
ganito?
Kongklusyon
- Ang tulang “Bayan Ko” ay
tumutukoy sa pagmamahal ng isang makabayan na makata na nabuhay sa panahon ng pagkakasakop.
Inihahandog niya ang kaniyang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pag-gawa ng
tulang ito. Upang maging malaya ang ating bansa, atin dapat bigyang diin ang
pagpapahalaga sa pagiging makabayan. Katulad ng ating mga kabababayan noon,
tayo ay may responsibilidad na bigyang halaga ang pangalan ng ating bansa at ng
ating lahi. Kung ito ay ating ibabaliwala lamang, ang Kalayaan na pinaghirapan
ng ating mga ninuno ay masasasayang lamang sa pagsakop ng ibang kultura at
bansa.
Comments
Post a Comment