I. Pamagat
ng Tula
- Itanong Mo sa Bituin
II. Paksa
ng Tula
- Ang
tulang “Itanong Mo sa Bituin” ay tumutukoy sa storya ng pagmamahal ni Jose
Corazon de Jesus sa kaniyang minamahal na asawa. Kaniyang inihantulad ang bituin
sa kaniyang minamahal at itinutukoy ng tula ito ang pagmamahal niya na malalim,
walang paubaya, ngunit hindi matupad.
III.
Simbolismong Ginamit
Bituin – Amada,
minamahal
Langit – Ibang
dako, ibang lugar
IV. Mensahe
ng Tula
-
Ating
bigyang importansya ang pag-ibig na inihahantog ng iba
o
Sa
panahon natin ngayon, madaming mga problema ang nagsimula sa mga pamilya. Minsan
ay kahit mag-nobya pa lamang may malalalim na hindi pagkaintindihan at problema.
Madam isa mga problema na ito ay nagsisimula lamang sa hindi pagkaintindihan o
selos. Maaari natin makita ito sa tula, kung paano ipinapakita ng nagsasalita
ang kaniyang pagmamahal kay Amada. Kahit sa ibang dako man siya, kaniyang tatahakin
upang makita lamang ang kaniyang minamahal.
o nang ako ay umagahin sa piling ng mga dusa; minagdamag ang palad ko sa pagtawag ng Amada, ngunit ikaw na tinawag, lumayo na’t nagtago pa.
§ Mapapansin natin na kahit ipakita ng
nagsasalita ang kaniyang pagmamahal na walang kapalit ay hindi pinansin ni Amada.
Siya’y nagtago pa kahit siya ay tinatawag ng tuluyan ng nagsasalita.
§ Maitutulad natin ang pagmamahal na
ito sa pagmamahal ng ating mga ninuno sa ating bansa. Kahit sila ay napapahirapan,
naaabuso ng mga mananakop, at kahit sila ay dumadaan sa hindi mabilang na pagsubok,
kanila paring pinapakita ang kanilang walang kamatayan na pagmamahal sa ating bansa.
§ Ating makukuha ang pagiging makabayan
ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng pagbasa at pag-aral nitong tula na ito.
Kongklusyon
- Sa tulang
“Itanong Mo sa Bituin”, ating makikita ang isang halimbawa ng kung paano
magmahal ang isang Pilipino, sa bayan at sa kanilang minamahal. Ating kunin ang
walang katumbas at walang hinihinging kapalit na pagmamahal na ipinapakita ng
nagsasalita sa storya. Maihahalintulad ito sa pagmamahal na dapat nating ipakita
para sa ating Inang Bayan.
Comments
Post a Comment