I. Pamagat
ng Tula
- Kahit Saan
II. Paksa
ng Tula
- Ang
tulang “Kahit Saan” ay tungkol sa paglalabas ng emosyon at pakiramdam ng
nagsasalita sa tula para sa kaniyang minamahal na kasingtahan. Gumamit siya ng
iba’t ibang
III.
Simbolismong Ginamit
Puting Bulaklak/Ibon/Tala/Paru-paro
– Hiya ng nagsasalita na lumapit sa kaniyang kinakausap sa tula
Luha – Lungkot
IV. Mensahe
ng Tula
-
Ipinapahayag
ng nagsasalita ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang kasintahan.
o
Sa
isang tingin lamang, mapapansin natin na malapit ang paksa ng tula na ito sa
isa pang tula ni Jose Corazon de Jesus na “Itanong Mo sa Bituin”. Ipinapakita
nito ang pagmamahal at isa sa mga kultura na ginamit ng ating mga ninuno upang
ipakita ang kanilang nararamdaman para sa kanilang kasintahan. Sa pamamagitan
ng pagsulat ng tula o pagsasalita, maihahatid ng mga tao ang kaniyang emosyon
sa gusto nilang pagbigyan nito.
o
Makikita
natin sa iba’t ibang parte ng tula ang matinding emosyon para sa kaniyang
minamahal na kasingtahan. Sa pamamagitan ng pag-gamit ng mga bagay katulad ng
bulaklak, tala at ang mga nabubuhay na hayop katulad ng ibon at paru-paro, naihatid
ng nagsasalita ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng tula.
o
Sa
panahon natin, ating nakalimutan na ang mga paraan na ginagamit ng sinaunang
mga Pilipino upang maipahatid ang kanilang nararamdaman. Social Media, Internet
at Messaging ay ilan lamang sa mga paraan na ating ginagamit sa panahon ngayon.
Dahil sa pag-gamit nito, madami sa atin ang hindi na nakakaranas ng matalik na
relasyon na hindi sa pamamagitan ng mga teknolohiyang nakapalibot sa ating
lahat. Isa itong paalala na dapat nating tandaan ang mga dating ginagawa ng
ating mga ninuno dahil sa ibang mga situwasyon, mas makakaayos pa ang sundin
ang kanilang mga halimbawa. Hindi masama ang pag-gamit ng mga makabagong
teknolohiya, pero kung ito ay nakakaapekto sa ating kakayanan na maglabas at
magpahatid ng emosyon sa kapwa tao, ito ay masama na para sa atin.
Kongklusyon
- Sa
pamamagitan ng pagbasa nitong tula na ito, ating makikita ang magandang sining
ng ating mga ninuno noong sinaunang araw. “Kahit Saan” ay isang tula na ipinapakita
ang walang katumbas na pag-ibig at emosyon ng isang taong nagmamahal ng kaniyang
kasingtahan. Ating maihahantog ito sa pagmamahal natin sa ating bansa at ang
mga kagamitan na ginagamit ng ating mga ninuno upang maipaalam sa iba ang
kanilang nararamdaman.
Comments
Post a Comment