Sa panahon
natin ngayon, madami ang mga problema na ating hinaharap sa araw-araw. Mula sa
kahirapan hanggang sa paghina ng pagkamakabayan ng ating mga kabataan. Ito ay
ilan lamang sa mga problema na patuloy na sumisira sa bayan na pinaghirapan ng ating
mga ninuno upang ating ingatan. Ang mga tula ni Jose Corazon de Jesus, kilala
din bilang “Huseng Batute”, ay naglalaman ng mga natatagong yaman na ating
magagamit sa ating pamumuhay. Sa
pamamagitan ng pagbasa sa mga tula at iba pang mga gawa ni Ginoong Jose Corazon
de Jesus, ating matututunan ang mga aralin na nakatago sa mga textong ng
kaniyang mga gawa. Kahit bata man o matanda, lahat tayo ay may mapupulot na
aral sa mahusay na mga gawa ni Ginoong Jose Corazon de Jesus.
Ang blog na ito ay mag-tutuon sa mga itsabihin ng mga tula ni Jose Corazon de Jesus. Upang mas mabigyan ng ilaw ang mga aralin ng mga tula, aking tatalakayin ang limang tula na hindi natalakay sa ating mga leksyon at aralin sa FOP|01. Ito ay "Ang Pamana", "Ang Magandang Parol", "Itanong Mo sa Bituin", "Kahit Saan", at "Ang Imperyalismo".
Comments
Post a Comment