Posts

Showing posts from October, 2022
Image
  Panimula: Sa panahon natin ngayon, madami ang mga problema na ating hinaharap sa araw-araw. Mula sa kahirapan hanggang sa paghina ng pagkamakabayan ng ating mga kabataan. Ito ay ilan lamang sa mga problema na patuloy na sumisira sa bayan na pinaghirapan ng ating mga ninuno upang ating ingatan. Ang mga tula ni Jose Corazon de Jesus, kilala din bilang “Huseng Batute”, ay naglalaman ng mga natatagong yaman na ating magagamit sa ating pamumuhay.   Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga tula at iba pang mga gawa ni Ginoong Jose Corazon de Jesus, ating matututunan ang mga aralin na nakatago sa mga textong ng kaniyang mga gawa. Kahit bata man o matanda, lahat tayo ay may mapupulot na aral sa mahusay na mga gawa ni Ginoong Jose Corazon de Jesus. Ang blog na ito ay mag-tutuon sa mga itsabihin ng mga tula ni Jose Corazon de Jesus. Upang mas mabigyan ng ilaw ang mga aralin ng mga tula, aking tatalakayin ang limang tula na hindi natalakay sa ating mga leksyon at aralin sa FOP|01. Ito ay "Ang ...
Image
  Ang Pamana I. Pamagat ng Tula - Ang Pamana II. Paksa ng Tula - Ang tulang "Ang Pamana" ay tumutukoy sa storya ng mag-ina na dumadaan sa isang mahirap na situwasyon. Dahil sa katandaan, malapit na sa pintuan ng kamatayan ang ina ng anak sa storya, kaya isa-isa nang tinatadaan ang mga memorya at ipinapamana na ng ina ang mga pagmamay-ari niya sa kaniyang minamahal na anak. Ngunit kahit ibinibigay na ng ina ang kaniyang mga pagmamay-ari, ang tanging gusto lamang ng kaniyang anak ay ang makasama ang kaniyang minamahal na ina.   III. Simbolismong Ginamit Pyano/Silya/Aparador/Kubyertos - Mga pamana/kasangkapan na matatanggap ng anak galing sa kaniyang ina. Yaman - Masasayang Memorya ng mag-ina, Ang bagay na importante sa puso ng anak Buhok - Nagsisimbulo ng katandaan ng ina Kasangkapan - Mga pagmamay-ari ng ina Luha - Lungkot Hukay - Huling paghahantugan ng Ina     IV. Mensahe ng Tula -         ...
Image
  Ang Magandang Parol I. Pamagat ng Tula - Ang Magandang Parol II. Paksa ng Tula - Ang tulang “Ang Magandang Parol” ay nagkukwento ng storya ng isang parol na ginawa ng isang nakakatanda upang panghanda sa darating na Pasko. Ang tapat ng parol na ito ay naging palaruan ng mga bata bago sila tumuloy sa simbahan. Kanilang sinasamahan ang lolo na gumawa ng parol tuwing sila ay maglalaro sa tapat ng parol. Noong namatay na ang lolo, kanilang natatandaan siya tuwing nakikita nila ang parol na nakasabit.   III. Simbolismong Ginamit Kalaguyo – Malapit na kaibigan Parol – Diwa ng lolo, ang liwanag na iniwan ng lolo para sa mga bata   IV. Mensahe ng Tula - Habang tayo ay may panahon pa, tayo ay makakapag-iwan ng memorya na susulitin ng ating mga kasama. o    Nasa kanyang kulay ang magandang nasa, nasa kanyang ilaw ang dakilang diwa, parang sinasabi ng isang  matanda : “Kung wala man ako’y tanglawan ang bata.” §   Makikita natin sa parte na ito na nakapag-iwa...
Image
Itanong Mo sa Bituin   I. Pamagat ng Tula - Itanong Mo sa Bituin   II. Paksa ng Tula - Ang tulang “Itanong Mo sa Bituin” ay tumutukoy sa storya ng pagmamahal ni Jose Corazon de Jesus sa kaniyang minamahal na asawa. Kaniyang inihantulad ang bituin sa kaniyang minamahal at itinutukoy ng tula ito ang pagmamahal niya na malalim, walang paubaya, ngunit hindi matupad.   III. Simbolismong Ginamit Bituin – Amada, minamahal Langit – Ibang dako, ibang lugar   IV. Mensahe ng Tula -           Ating bigyang importansya ang pag-ibig na inihahantog ng iba o    Sa panahon natin ngayon, madaming mga problema ang nagsimula sa mga pamilya. Minsan ay kahit mag-nobya pa lamang may malalalim na hindi pagkaintindihan at problema. Madam isa mga problema na ito ay nagsisimula lamang sa hindi pagkaintindihan o selos. Maaari natin makita ito sa tula, kung paano ipinapakita ng nagsasalita ang kaniyang pagmamahal kay ...
Image
  Kahit Saan I. Pamagat ng Tula - Kahit Saan   II. Paksa ng Tula - Ang tulang “Kahit Saan” ay tungkol sa paglalabas ng emosyon at pakiramdam ng nagsasalita sa tula para sa kaniyang minamahal na kasingtahan. Gumamit siya ng iba’t ibang   III. Simbolismong Ginamit Puting Bulaklak/Ibon/Tala/Paru-paro – Hiya ng nagsasalita na lumapit sa kaniyang kinakausap sa tula Luha – Lungkot   IV. Mensahe ng Tula -           Ipinapahayag ng nagsasalita ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang kasintahan. o    Sa isang tingin lamang, mapapansin natin na malapit ang paksa ng tula na ito sa isa pang tula ni Jose Corazon de Jesus na “Itanong Mo sa Bituin”. Ipinapakita nito ang pagmamahal at isa sa mga kultura na ginamit ng ating mga ninuno upang ipakita ang kanilang nararamdaman para sa kanilang kasintahan. Sa pamamagitan ng pagsulat ng tula o pagsasalita, maihahatid ng mga tao ang kaniyang emosyon sa gusto nilang ...
Image
  Bayan Ko I. Pamagat ng Tula - Bayan Ko   II. Paksa ng Tula - Ang tulang “Bayan Ko” ay nagpapakita ng pagkamakabayan ng mga Pilipino sa gitna ng kaguluhan. Kahit madami ang kanilang hinaharap, kahit nakasalalay ang kanilang kalayaan sa mga dayuhan, sila ay hindi titigil hangga’t hindi natutupad ang nais nila na maging malaya.  Kahit ano pa man ang mangyari, ang loyalidad ng mga Pilipino sa bansa ay hindi mapapantayan ng sino man. III. Simbolismong Ginamit Ginto’t Bulaklak – Kayamanan ng ating Bansa Ibon – Kalayaan Kulungan – Mananakop na pinipigilan ang mga kultura ng ating bansa Pugad – Ang ating bansa, kung saan narararapat ang Kalayaan   IV. Mensahe ng Tula -          -  Ang ating pagmamahal sa bayan ay hindi dapat magbago kailangan man. o    Nakakamangha ang patriotismo mga Pilipino noong panahon na nasakop tayo ng iba’t ibang dayuhan. Kahit tayo ay tinuring na mas mababang nilalang, itinuloy parin ng ating mga kabababayan...
Image
Pangwakas Sa pagtatapos, makikita natin ang mga iba pang sulatin at gawa ni Ginoong Jose Corazon de Jesus. Makikita natin na ito ay naglalaman ng mga aralin na hindi makikita ng isang taong bara-bara lamang kung magbasa. Sa pagbabasa ng mga tula at iba pang mga sulatin na ginawa sa Tagalog, ating masasanay ang ating wikain at maiimpluwesiyahan natin ang iba na maibalik ang lubos na pagkamakabayan nating mga Pilipino sa panahon na pinapalibutan tayo ng mga impluwensya ng mga ibang bansa at kultura. Nawa'y ito ay nakatulong sa iyong paglakbay upang makita ang iba pang gawa ni "Huseng Batute".